Links To High Reso Logos

Hoverable Dropdown

Friday, April 17, 2015

Disiplina sa Kalsada

Image
 Isa ka ba sa mga libu libong gumagamit ng kalsada sa Metro Manila?
Drayber ng truck, drayber ng bus, drayber ng taxi, drayber ng dyip, drayber ng pribadong sasakyan, drayber ng traysikel, drayber ng motor,nagpapadyak, nagbibisekleta o simpleng mananakay?

Napapansin mo ba ang ugali ng bawat isa kapag nasa kalsada?  Eh ang sarili mo napapansin mo din ba?

 Isa ako sa mga nagmomotor araw araw papasok sa trabaho mula Antipolo hanggang Quiapo sa Maynila, sa ruta kong mula Marcos hi-way, Aurora blvd, Cubao, Sta. Mesa, Legarda hanggang Quiapo at minsan bumabyahe ng ibang lugar kapag may kailangang puntahan ay madami akong napupunang mali o mga walang disiplina sa kalsada na akala mo ay normal na sa atin, na  magpapailing at maitatanong mo na lang sa sarili mong “may pag-asa pa ba tayong maging disiplinado?”

Pansinin mo ang mga taong tumatawid sa kung saan saan na para bang nakikipaglaro ng patintero sa mga nagmamdaling
Image
sasakyan, mga pasaherong nag-aabang ng masasakyan na halos nasa gitna na ng kalsada na isang dahilan na nagpapasikip ng trapiko, ang mga maiingay at nagmamadaling motorsiklo na halos paliparin na ang kawawang motor, mga pampasaherong sasakyan na pabiglabigla na lang titigil o kaya ay ipipilit isisingit ang sasakyan sa mga nakapilang sasakyan sa gilid dahil may bababa o sasakay na pasahero, kesehodang humaba ang trapik dahil nakahambalang ang sasakyan nila, mga nakakatakot na naglalakihang sasakyan dahil sa bilis ng takbo, mga mauusok na sasakyan na ipinipilit pa rin na ibyahe, ang mga ugali ng drayber na singit dito singit doon na halos lahat ay gustong mauna sa unahan, at kung anu ano pa.

Image
Ilan lang yan sa mga napapansin ko sa araw araw na byahe. Hindi ko sinasabing lahat ay walang disiplina pero aminin natin na minsan meron ding oras na kahit alam nating mali ay nagagawa natin dahil na rin siguro sa iba’t ibang kadahilanan, pero sana pilitin nating maging disiplinado tayo sa lahat ng pagkakataon.

Huwag po sana tayong maging gahaman sa kalsada o kahit sa anong bagay, Wala pong mawawala sa atin sa pagpaubaya o pagbibigay daan sa iba. Lagi sana nating isipin na sa disiplina nagsisimula ang pag-asenso. 

No comments:

Post a Comment