Nag-iisip ka ba ng dagdag kita?
Sa hirap ng buhay dito sa atin, naniniwala ako na marami sa
atin ang nag-iisip kung papaano magkakaroon ng dagdag kita para pandagdag sa
araw araw na gastusin dahil sa liit ng sahod na naiuuwi sa araw araw na
pagtatrabaho.
Madali lang naman ang pagtatayo ng maliit na negosyo ngunit
maraming dapat isaalang-alang sa patatayo nito.
1.
Magsimula sa maliit na posibleng puhunan
Maliit na puhunan lang sa umpisa para malaman kung may posibilidad na
magiging malakas ang gagawing negosyo, hindi magiging masakit sa bulsa kung
sakaling malugi at madali kang makakapagpalit ng ibang pagkakakitaan.
2.
Lugar na pagtatayuan ng negosyo
Kilalanin ang mga magiging kostumer, tama ba ang lugar para sa produkto o
serbisyo na naiisip mo? Tatangkilikin ba ng mga tao sa lugar mo ang produkto o
serbisyo mo?
3.
Makatuwirang halaga o presyo ng negosyo
Hangga’t maaari huwag maging gahaman, gawing makatuwiran sa lahat ang
halaga ng produkto o serbisyo.
4.
Pagmumulan ng produkto
Alamin ang pinakamalapit at murang pagkukunan ng mga produkto, mas
malapit mas maganda sa negosyo, kung maaaring itawag lang para sila na ang
magdadala sa pwesto mo.
5.
Imbentaryo
Maglaan ng oras para sa pag-iimbentaryo ng paninda, maaring gawin ito ng
isa o dalawang beses sa loob bg isang lingo, iwasang bumili ng produktong medaling
masira at matumal bilhin ng kostumer.
6.
Dedikasyon at sipag
Ang dedikasyon at sipag ang sekreto at susi sa matagumpay na
pagnenegosyo. Madami ang mga may ugaling ningas kogon na sa umpisa lang masipag
at sa huli ay pinanbabayaan na lang ang negosyo sa mga katiwala.
7.
Mag-ipon at magplano sa posibleng pagpapalawak
ng negosyo
Huwag maging kuntento sa kikitain ng maliit na negosyo, maaring magdadag
ng iba pang produkto at magpalawak ng puwesto kung lumalago na ito.
Kung
magiging tama ang lahat ng paraan sa pagsisimula ng negosyo, hindi magiging
imposible ang pagpapalago nito, sana makatulong sa inyong nagpaplanong magtayo
ng maliit na negosyo.
Please see Katotohana sa pagsisimula ng maliit na negosyo
Please see Katotohana sa pagsisimula ng maliit na negosyo
No comments:
Post a Comment