Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang isang katotohanan sa
pagsisimula ng maliit na tindahan ng kapatid ko dito sa bahay namin, maliit na
negosyo pero malaking tulong sa pang-araw araw na gastusin sa bahay. Noong una
hindi ko inaakala na na magiging malaking tulong sa pinansyal ang noong parang
isang laro lang ng pamangkin kong babae sa pagtitinda-tindahan dahil sa una
medyo alanganin ang puwesto ng bahay namin kumpara sa ibang kapitbahay na mga
naunang may tindahan na.
Alam nyo ba na sa halagang bente
pesos (P20.00) nagsimula ang negosyo?
Totoo yan! Dahil malapit ang lugar namin sa
talipapa,naisipan ng pamangkin ko na mamili ng mga pagkaing pambata (strategic
marketing) na sa tingin nya ay madaling maibenta sa halagang bente pesos (small
capital), at sa tuwing malapit ng maubos ang paninda ay dali-daling bibili ng
panibagong item para may laman ang tinda nya (on time inventory). Alam nyo ba na kumita at naging triple ang puhunan
sa buong maghapon? (perfect place for a kind of business). Pagdating ng gabi pinag-usapan
namin ng kapatid ko at hipag ko na suportahan ang hilig ng anak nila
(opportunity grabber), nag-ambag kami ng tig-fifty pesos (P50.00) para malaman
kung magiging matatag ang takbo ng tinda-tindahan, at sa buong linggo lumago
ang sinimulang puhunan na hindi namin inaakala. Hanggang sa pinagplanuhan na namin
na gawing maliit na negosyo ang nasimulan ng pamangkin ko, nagdagdag ng konting
puhunan (additional capital), naghanap ng mas murang mapagkukunan ng kalakal at
nag-isip ng mga produktong madaling maibenta.
Sampung taon
pa lang ang pamangkin ko noon ng naiisipan nya ang ganitong negosyo.
Mahigit
dalawang taon na ang nakalilipas pero hindi pa din nagbabago ang hatak ng
tindahan na akal mo may magnet na humihila ng ng mga parokyano.
May mga
ilang karibal na nagsara dahil halos lahat ng kapitbahay nila ay hindi na sa
kanila bumibili.
Mga
pinag-usapan sa sapagpaplano
1.
Huwag magtitinda ng mga madaling masira
2.
Maging makatuwiran ang halaga ng paninda
3.
Mamili ng mga panindang sasapat sa susunod na
pamimili para may ibang items na mabibili
4.
Maging malinis at presentable maging sa sarili
at sa paninda sa oras ng pagtitida
5.
Maging friendly sa lahat
Ito ay isang
halimbawa lang ng pagsisimula ng maliit na negosyo
May mga
pagkakataon na pwedeng mangyari sa inyo o kung hidi naman ay may iba pa na mas
may kinalaman sa kakayanan nyo tulad ng pagtitinda ng ibang bagay,pagtitinda ng
lutong pagkain, food processing, serbiyo o kung ano ano pa.
Sana
makatulong sa lahat.
No comments:
Post a Comment