Naging malaking issue sa bansa ng mga nakaraang taon ang pagpapatupad ng ating gobyerno sa programang K+12 sa larangan ng edukasyon sa ating bansa, nagkaroon ng maraming pagtatalo at pagmamartsa sa kalsada para labanan ito kaya’t ipinatigil muna ang pagpaptupad nito. At ngayon hindi na daw mapipigil pa ang ating gobyerno sa pagpapatupad nito ngayong darating na pasukan.
Sa inyong palagay, makatuwiran ba sa bawat Pilipino ang
pagpapatupad nito?
Ang K+12 para sa ating kaalaman ay bagong programang gustong
ipatupad ng pamahalaan sa edukasyon ng bansa para maging competitive pagdating
sa pakikipagtagisan sa ibang lahi, ang K ay para sa kindergarten, required na
makapag-aral ang isang bata para makatuntong ng elementary, ang +12 ay hinati
sa tatlong antas na aabot ng labing dalawang taon, ito ang anim na taon sa
elementary, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high
school.
Ang aking pananaw sa programang ito ay ibabase ko sa
sariling pag-aaral, kung ang isang mag-aaral ay magsisimula ng anim na taon
para makapasok ng kinder at gugugol ng labingdalawang taon sa elementary at
high school, at halimabawa gugugol pa ulit ng apat na taon sa kolehiyo, aabot
ng 22 years old na siya bago makapagtapos ng pag-aaral. Naisip kaya ng ating gobyerno
na kayang pag-aralin ng bawat magulang ang kanilang mga anak ng ganoon katagal
na pag-aaral ng isang bata?
Oo makatuwiran ito sa mga taong may kaya, pero sa mga
naghihirap ba makatuwiran din? Kung ngayon nga na hindi pa naipapatupad ang
programang ito ay halos hindi na makatuntong ng ibang kababayan natin sa high
school dahil sa kakapusan ng pangsuportang pinansyal sa pag-aaral ng mga
magulang, ano pa kaya kung maipatupad na ang K+12? Ilan na lang kaya ang kayang
makapagtapos sa pag-aaral?
Ang Pilipinas sa kasalukuyan ay may populasyon na mahigit 100 milyong
Pilipino, ayon sa ibinigay na datos ng gobyerno, mahigit 13.2 milyon ang nakapag-enroll
sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ng sy 2013-2014, at ayon sa surbey ng
isang pribadong kompanya, aabot daw mahigit 12.1
milyong Pilipino ang naghihirap ng taong 2014.
Hindi kaya ng utak ko na kalkulahin kung may tama o mali sa
proporsyon ng mga bilang ng mag-aaral at bilang ng populasyon sa Pilipinas,
pero ang surbey na pinagkakatiwalaan at pinagbabasehan ng karamihan sa tingin ko ay may mali, dito din ba ibinase
ng gobyerno kaya gusto nilang ipatupad ang K+12? Sino sino ba ang mga taong
tinanong para sa surbey na ito? Nalalaman ba ng mga taong ito at ng ating gobyerno
kung gaano karami ang mga mahihirap sa Pilipinas? Hindi na siguro kailangan
pang isa isahin.
Para sa akin hindi pa napapanahon ang pagpapatupad ng K+12,
bagkus bigyan ng kosentrasyon ang kasalukuyang programa, gumabay sa pag-aaral
sa buong bansa may kakayahan man o mahina sa edukasyon, magbigay ng siguardong
trabaho sa mga gustong makapag-aral na kulang sa pinansyal at sa mga makakapagtapos.
At sana maging sincere ang mga taong pingkakatiwalaan dito, huwag po na
pinipili lang ang mabibigyan ng suporta. Madaming Pilipino ang umaasa sa inyo.
No comments:
Post a Comment